
Hinagisan ng granada ang bahay ni Cagayan de Oro City Rep. Rudus Rodriguez sa Barangay Nazareth, Miyerkoles ng madaling araw.
Sa ulat, sakay ng motorsiklo ang mga hindi nakilalang mga suspek na namataang naghagis ng granada sa garahe 1:12 ng madaling araw, na masuwerte namang hindi sumabog.
“Lives were put at risk in the grenade attack at the ancestral residence of the Rodriguez family in Barangay Nazareth in Cagayan de Oro earlier today. We condemn in the strongest terms this act of violence perpetrated by unknown men,” saad sa pahayag ng pamilya.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.
“Deputy Speaker Rufus Rodriguez and Councilor Bebot Rodriguez will ensure that the services offered by their respective offices are unhampered even during these trying times,” dagdag pa rito.
Sinabi ni Deputy House Speaker Rufus Rodriguez na wala siyang ideya kung ano ang posibleng motibo sa pangyayari.
Bagamat wala namang naiulat na anumang danyos, matinding takot ang naramdaman ng mga kasamahan ng kongresista sa nabanggit na bahay.
Si Rodriguez, kasama ang kanyang maybahay at nag-iisang anak babae, ilang buwan nang nananatili sa Maynila dahil na rin sa pandemya ng Covid-19.
Samantala, ligtas naman ang pamilya ni Rodriguez sa insidente.
Ipinagkatiwala na lamang nito sa pulisya ang pagtukoy sa mga salarin ng krimen.
The post Bahay ni Cong. Rodriguez, grinanada! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: