
Ni WALLY PERALTA
LABIS ang pasasalamat ng hunk actor na si Jeric Gonzales nang makarating sa kanyang kaalaman na personal choice siya ni Asia’s Multimedia actor Alden Richards na maging isa sa lead role sa gagawing Pinoy adaptation ng Koreanobela na ‘Start Up’ na first teleserye ni Alden kasama si Bea Alonzo, with Yasmien Kurdi at si Jeric nga.
“I’m very overwhelmed. I will take it as a challenge and I will do my best. Ando’n ‘yung pressure, it’s a good pressure na ma-challenge ako rito sa role na ito and I’m expecting na, of course there are great actors and actresses. Dito ko matsa-challenge ‘yung sarili ko,” sabi ni Jeric.
At para naman kay Alden, ang pagpili niya kay Jeric ay pagbabalik lang ng blessings na kanyang natanggap noong nagsisimula palang siya sa showbiz.
“I was like that before. Ibalik natin ‘yung part na nag-start ako and then si Kuya Dingdong Dantes ‘yun eh. Binigyan niya ako ng chance to be able to be part of his teleseryes before. I’m just paying it forward, bigyan naman natin ng chance ‘yung iba. Of course this is a big project, nakikita naman natin talaga na kaya niyang gampanan ‘yung role,” pahayag naman ni Alden.
***
QUINN CARRILLO, SLOW BUT SURE
HILIG talaga ng morenang baguhang aktres na si Quinn Carillo ang maging artista kaya kahit nag-aaral ay sumabak siya sa pagiging dancer sa grupong Belladonnas.
Naging stepping stone ni Quinn ang pagsasayaw, pati na rin ng karamihan sa kanyang mga kagrupo upang mapasok ang mundo ng showbiz. Unti-unti naman natutupad ang pangarap ng dalaga dahil sa pinagkatiwalaan siya ng Viva at binigyan ng kontrata.
Ilan na sa nagawang movie ni Quinn since last year ay ang mga sumusunod, ang ‘Silab’, ‘Siklo’, ‘Shoot, Shoot’, ‘Eva’, but wait may mga movies na rin nagawa si Quinn na ipalalabas na rin sa mga darating na linggo, tulad na lang ‘Expensive Candy nina Carlo Aquino at Julia Barretto’, at ‘Island of Desire’ ni direk Loel Lamangan, na pagbibidahan ng mga kasamahan niya sa 3:16 Talents and Events Management Company sa pamumuno ni Ms. Len Carrillo, na sina Christine Bermas at Sean de Guzman.
Para kay Quinn, ang pagiging artista ay hindi sinusukuan kaya kahit maliit na role ay okey sa kanya, ika nga niya ‘there’s no such thing as small roles’.
“Masaya po siyempre, kasi kahit pa-minor-minor roles ay nabibigyan ako ng projects ng Viva. Nakaka-overwhelm talaga, na minsan ay ‘di ko rin alam kung ano ‘yung mararamdaman ko. Basta ang alam ko po, I’m really thankful na nabibigyan po ako ng projects,” say ni Quinn.
At ang latest ay level up na ang karir ni Quinn, sa tsikang may gagawin siyang pelikula na magsisilbing launching movie na niya, with no other than direk Joel Lamangan at may working title na ‘Biyak’, isang aksyon/drama film.
The post Jeric personal choice ni Alden sa bagong serye appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: