Facebook

Moira dinenay na binayaran ng P5-M para sa political rally

Ni ARCHIE LIAO

UMALMA ang ilang OPM singers at mga miyembro ng mga kilalang banda sa bansa dahil sa kumalat na balitang nakatakda silang mag-perform sa campaign rally ng Uniteam sa Zamboanga.
Anila, fake news daw ang balita at wala silang kinalaman o hindi sila naabisuhan tungkol sa naturang event.
Reaksyon ng Parokya ni Edgar:”This is not true.”
Pag-alma naman ni Zack Tabudio:”Awit, peyk news na nga lang, di pa magandang picture ginamit sa akin.”
Sey naman ni Blaster Salonga ng IV of Spades:”Seryosong sagot. Kailanman hindi mangyayari ito, ngayon pa lang sinusunog ko na ang tulay.”
Komento naman ni Allan Burdeos ng Kamikazee: “Never ako nagsalita against sa mga nagkakampanya for presidency. Kahit obvious na kung gaano kadumi o hindi qualified ang kandidato. Pero kung pangalan na namin ang involved, pangalan namin na mahigit 20 years na pinaghirapan ang gagamitin ng walang permiso, ibang usapan na iyan”
Sa ngayon, burado na ang nasabing post ng fake news na kumalat sa Facebook.
Sa kaugnay na balita, itinanggi naman ni Moira Dela Torre na binayaran siya ng 5 milyon para umawit sa isang Leni-Kiko rally.
Ito ay bilang reaksyon niya sa istoryang na-published sa isang major newspaper.
Komento niya:
“Baka kayo po ‘yung bayad para sa mga headline niyo pong nagki-clickbait ng ganyan.”
Tinumbok pa niya ang naturang pahayagan dahil sa umano’y pagkakalat ng fake news.
“Di po ‘yan maganda, Manila Bulletin,” dugtong niya..

The post Moira dinenay na binayaran ng P5-M para sa political rally appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Moira dinenay na binayaran ng P5-M para sa political rally Moira dinenay na binayaran ng P5-M para sa political rally Reviewed by misfitgympal on Marso 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.