Facebook

Sarah Javier thankful sa maraming blessings

Ni NONIE V. NICASIO

NAGPAPASALA MAT ang talented na singer/actress/songwriter na si Sarah Javier dahil nagagawa niyang pagsabayin ang passion niya sa showbiz.
Saad niya, “Nakakataba po ng puso tito na nagagawa ko pong pagsabayin ang parehong malapit po sa puso ko, ang pagkanta at pag-arte po sa showbiz.”
Bahagi ng pelikulang Ang Bangkay si Ms. Sarah at napanood siya nitong nakaraang Sabado sa Letters and Music ng Net25, ganap na ala-una ng hapon.
Pero kung papipiliin siya, ano ang mas magiging priority niya, ang singing or acting? “Hahaha! Puwede both? Pareho ko kasing mahal, eh.”
Esplika pa ni Ms. Sarah, “Masaya ako kapag kumakanta at nakakapagbigay saya po sa mga taong hinahandugan ko at sa pag-arte naman po, kasiyahan ko rin na naipapamalas ko po ang ibang character.
“Wala po akong maitulak kabigin lalo’t parehas ko pong pinagbubutihan sa anuman pong larangan. Pangarap ko po ito pareho tito, eh.”
Incidentally, congrats kay Ms. Sarah dahil siya ang endorser ng Hygeia. “Yes po, Hygeia, it’s all about wellness and beauty. Marami po kaming mga supplements na talagang kailangan po ng ating mga katawan lalo na sa panahon ngayon. Marami po kaming mga products na talagang kapaki-pakinabang. Kaya sa mga gusto pong mag-try at maging family po namin sa Hygeia, please do contact me po.”
Ano ang role niya sa movie ni Direk Vince Tañada?
Tugon ni Ms. Sarah, “Sa movie ay asawa po ako ni Direk Atty. Vince Tañada, yes po siya po ang bida sa pelikulang Ang Bangkay. Bale, cameo role po me here, tito.”
Tungkol saan ang movie? “Malalim po ang movie na ito at napakatalino po ng pagkakasulat din po ng movie,” matipid na sagot niya.
Nang usisain namin kung horror ba ito, natawa si Ms. Sarah sa kanyang sagot, “Hindi po, hehehe. Ang Bangkay po ang title, pero tito, hindi po siya horror. Ang movie po ay isang winning stage play, nanalo ito bilang Carlos Palanca memorial awards po.”
“Sa Letters and Music ay kinanta ko ko po ang aking nilikhang kanta na Ihip ng Hangin, composed by yours truly po. Ito ay arranged by Elmer Blancaflor.”
May bago ba siyang single ngayon? “Abangan po ninyo tito, may tinatapos po akong single ngayon and sana po magawa at matapos ko na po ito very soon,” nakangiting wika pa niya.

The post Sarah Javier thankful sa maraming blessings appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sarah Javier thankful sa maraming blessings Sarah Javier thankful sa maraming blessings Reviewed by misfitgympal on Marso 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.