
SA halip na pagkilala at pasasalamat ang matanggap sa inilunsad na scholarship program ay panay paninira ang ginagawa ng mga kalaban sa pulitika ng negosyanteng si Rose Nono-Lin.
Napag-alaman na bagamat sa Marso 25 pa ang opisyal na simula ng kampanya para sa lokal na posisyon ay maaga at tuloy-tuloy na ang pambabatikos ng katunggali ng negosyanteng si Lin na tumatakbo bilang Congresswoman ng ika-5 Distrito ng Quezon City.
Ang posisyon sa pagiging kinatawan ng Dist.5 sa Quezon City ay babakantehin ni Rep. Alfred Vargas at ang nakababatang kapatid nito na si Konsehal Patrick Vargas, ang isa sa mga tumakbo bilang kongresista sa Distrito 5, at tinuturing na pinakamahigpit na kalaban negosyanteng si Lin.
Nabatid na dahil sa lakas ng karisma at pagiging matulungin ni Lin sa mga residente ang dahilan kung bakit ito tinutuligsa ng mga kalaban. Ito ay dahil na rin sa napakalas ng suporta at pagtangkilik sa negosyante ng mga residente mahirap man o mayaman at maging ng mga botante ng ika-5 Distrito ng QC.
Ang pinakahuling isyu ng paninira na ipinupukol kay Lin ay ang napabalitang pagkamatay ng isang 60-anyos na senior citizen sa pila ng mga magulang ng estudyante na nais mapabilang sa inilunsad na scholarship program ni Lin para sa darating na pasukan.
Ang nasabing scholarship program ay para lamang sa mga kwalipikadong estudyante kung saan ang mga mapipili ay dadaan sa itinakdang proseso at screening gaya ng lahat ng scholarship program.
Mariin ding pinasinungalingan ng kampo ni Lin na na hindi porket nakapila ang estudyante o magulang ng estydyante ay automatic na scholar na ito. Muling iginiit ng kampo ni Lin na kailangang kwalipikado at dumaan sa tamang screening at proseso ang estudyante.
Layunin ng scholarship program ni Lin na matulungan ang mga mahihirap subalit matatalinong estudyante na mapagtapos sa kanilang pag-aaral
Idinagdag pa ng kampo ni Lin na hindi lahat ng nag-a-apply sa scholarship ay natatanggap. Ito ay kailangang may kwalipikadong marka at dapat na pumasa sa itinakdang screening.
Matindi ring ang naging pagtanggi ng kampo ni Lin sa imbentong akusasyon na kaya dagsa ang tao sa pila ay dahil sa namimili daw ng boto ang negosyante. Ang bagay na ito ayon kay Lin walang katotohanan at tinawanan lang ng negosyante..
Base sa obserbasyon ng ilang taga-masid, ay may kongretong plano umano ang mga kalaban ni Lin upang siraan ang negosyante dahil sa tatlong dahilan. Una na rito ay ang sobrang lakas na ipinakikita ng negosyante sa mga residente at botante. Ikalawa ay upang pagtakpan ang baho ng maanomalyang “Palupa at Pabahay” ni Rep. Vargas at ang pagkasangkot nito sa “TUPAD scam”, at pangatlo ay upang tulungang mai-angat ang naghihingalong kandidatura ng kanyang kapatid para maging kongresista at manatili sa kanila ang kontrol ng ika-5 distrito.
Si Vargas ay nahaharap ngayon sa kasong graft sa Ombudsman, na isinampa ng mga naging biktima ng kanyang “Palupa at Pabahay” program, na ibinunyag ni District 5 Councilor Allan Francisco sa isang privilege speech na “peke” umano ang nasabing proyekto.
Ang anomalya naman sa TUPAD, isang proyekto ng DOLE para mabigyan ng trabaho ang mga manggagawang naapektuhan ng Covid-19, ay kasalukuyang iniimbestigahan na Ombudsman at ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon sa DOLE, may sapat nang ebidensyang nakalap ang NBI na magagamit sa pagsampa ng kaso laban sa mga pulitiko at opisyal ng barangay na sangkot sa paglustay ng pondo ng nasabing programa.
Bago ang mga nasabing imbestigasyon, sinuspinde ng DOLE ang implementasyon ng TUPAD sa District 5, 2 at 1 ng Quezon City matapos makatanggap ng reklamo sa mga residente. Kasama si Vargas at dalawa pang kongresista sa unang imbestigasyon na isinagawa ng DOLE.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martirez, ang “motu proprio” imbestigasyon na kanilang gagawin ay sesentro sa implementasyon ng TUPAD at sa mga opisyal ng gobyerno na nagsamantala sa nasabing programa at iba pa.
The post Scholarship program ng negosyanteng si Rose Nono-Lin, sinisiraan ng kalaban sa pulitika appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: