
Ni ARCHIE LIAO
NAIMBITAHAN ni Marjorie Barretto si Maricel Soriano na mag-guest sa kanyang vlog.
Nakasama ang Diamond Star sa isang salu-salo ng pamilya Barretto maliban kay Julia na noon ay nasa Paris, France.
Ani Maricel, pagdating daw sa mga anak na lalake, parang kabarkada lang daw ang turing niya sa mga ito.
Pinababayaan din daw niyang maging independent ang mga ito, subalit sa huli ay bumabalik daw naman ang mga ito sa kanyang piling na ikinatutuwa naman niya.
Gayunpaman, kung nagkaroon daw siya ng anak na babae, magiging istrikta raw siya lalo pa’t gagawin niya ang lahat para protektahan ito.
Hirit pa niya, napakalaki rin daw ng impluwensiya sa kanya ng yumaong komedyante na si Dolphy na itinuring niyang tatay.
Nagkaroon daw ng 360 degree turn ang buhay niya mula nang mamatay ito.
Doon daw tumimo sa kaisipan niya ang lahat ng mga naging payo nito na hanggang ngayon ay dinadala niya at pinapahalagahan.
Sey pa niya, never daw siyang pumatol sa bashers.
Ang ginagawa raw niya ay ibina-block niya ang mga ito para na rin hindi ito magkaroon ng pagkakataon na i-bash siya.
Kung nene-nega raw siya, hindi raw niya problema iyon dahil kargo ito ng mga taong hindi maligaya sa buhay nila.
Natutunan din daw niya na maging selective sa kanyang battles sa buhay.
Ayaw din daw niyang ma-stress dahil bukod sa nakakatanda raw ito ay hindi rin nakatutulong na magkaroon ng bagahe sa buhay.
Aniya, ipagpapatuloy daw niya ang pag-arte as long na may nagtitiwala sa kanyang kakayahan dahil lab niya ang kanyang propesyon.
The post Maricel never pumatol sa bashers appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: