Facebook

Lalaki huli sa aktong hinahalay ang ‘nobya’

ARESTADO ang isang construction worker sa panghahalay sa 15-anyos na babae sa San Jose del Monte, Bulacan.
Sa ulat, inaresto si Junior Mahusay nang magsumbong ang tiyahin ng biktima tungkol sa ginagawa ng ng una sa kaniyang pamangkin.
Hindi aniya ito ang unang pagkakataon na inabuso ng lalaki ang dalagita. Kaya nang matanggap ang impormasyon na sinundo ni Mahusay ang biktima na kapitbahay niya, hinuli ito sa akto habang ginagawa ang kahalayan.
Ngunit depensa ni Mahusay, nobya niya ang dalagita at tutol lang aniya sa kanilang relasyon ang kaanak ng babae.
Pero sabi ni SJDM Police Chief, Major Julius Alvaro, hindi alam ng biktima na dadalhin siya sa madamong lugar ni Mahusay.
Mahaharap si Mahusay sa reklamong rape at child abuse.(James de Jesus)

The post Lalaki huli sa aktong hinahalay ang ‘nobya’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki huli sa aktong hinahalay ang ‘nobya’ Lalaki huli sa aktong hinahalay ang ‘nobya’ Reviewed by misfitgympal on Mayo 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.