Facebook

Ex-councilor nakaligtas sa ambush sa Zamboanga

MASUWERTE na nakaligtas sa ambush ang dating konsehal at tumakbo sa vice mayoral race sa nakaraang eleksyon nitong Miyerkules ng gabi sa Barangay Dao-an, San Miguel, Tabina, Zamboanga del Sur.

Sinabi ng regional police na nasa sasakyan si Rally Caguia Eslit, 48 anyos, kasama ang kanyang pamilya nang paputukan ng riding in tandem ang driver’s seat.

Tinamaan si Eslit sa batok at isinugod sa San Miguel Rural Health Unit. Kalaunan ay inilipat sa isang pribadong ospital sa Pagadian City.

Inihayag ng mga awtoridad na tumakas ang gunmen patungo sa Barangay Betinan, San Miguel.

Narekober ng mga imbestigador ang bullet slug mula sa .45 caliber pistol mula sa crime scene.

The post Ex-councilor nakaligtas sa ambush sa Zamboanga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-councilor nakaligtas sa ambush sa Zamboanga Ex-councilor nakaligtas sa ambush sa Zamboanga Reviewed by misfitgympal on Hunyo 02, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.