![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/01/buslot-supalpal-1.jpg)
CALVIN Abueva para kay Chris Banchero at 2 pick. Susmaryosep! Isa na namang walang kwentang palitan. Yung star player mo ipamimigay mo lang sa isang team katapat isang role player, exchange of place sa rookie draft ngayong taon at isang 2nd round na hugot sa isang taon. Batid natin na hindi malaking bagay ang 10th pababa sa 6th ngayong season at isang 2nd rounder sa 2022.
Kahit isang bata sasabihin sa iyo na hindi patas yan. Luging-lugi ang Phoenix sa Magnolia na isa sa koponan ng SMC group.
Talagang ang mga power franchise higit na lumalakas habang ang mga maliliit lalong humihina. Kamaikailan lang nabingwit ng San Miguel si CJ Perez, franchise player ng Blackwater ka-exchange ng ilang benchwarmer.
Lokohin ninyo ang lelong panot ninyo.
Ayaw pa kasing isiwalat na may pera na involved sa transaksyon ayon kay Ka Berong.
Ano totoo mga ginoo ng PBA? Aminin!
***
Pumirma ng isang endorsement deal si Mane Pakyaw sa Globe noong Nobyembre 2020. Nandoon sa contract signing ang taga-pangulo at presidente ng telecom company.
Ngayong buwan napanood natin ang television commercial na tampok ang anak ni Aling Dionesia.
Karapatan ng Ayala-owned na kumpanya mamili ng talent sa kanilang mga advertisement pero may right din tayong mga consumer na i-boycott ang marka.
Sorry walang kredibilidad ang inyong brand ambassador. Oo siya ay kampeon na boksingero nguni’t maling-mali sa maraming pambansang mga isyu. Sa pulitika, kakampi niya ang kampo ng demonyo. Sa social justice nais niya ang death penalty. Sa Senado kaalyado niya ang mga mandarambong. Sa Kongreso noon siya pinakapala-absent. Aro Dios ko!
Tapos ibig pang maging star-boarder ng Malacanang kapalit ng Payaso sa Palasyo. OMG!
No to Pacquiao! No to Globe!
***
Natawa tayo sa isang pinadala sa ating video via viber. Sa-Pac 2022 daw kasi si mayora na walang H at ang asawa ni Jinkee ang kumbinasyon. Sa kaliwa pinakita ang panggugulpi ng alkalde ng isang siyudad sa Mindanao sa sheriff na ginagamapanan lang ang kanyang tungkulin. Pinagsusuntok siya ng punong lungsod dahil nakapaligid ang mga body guard niya. Kawawang empleyado ng gobyerno na hindi man lang nakapalag. Isipin ninyo kahihiyan na inabot niya at kapamilya niya dahil sa harapito ng mga tv camera.
Sa kanan naman mapapanood ang utol ng dalawang kongresista na nagpaabot ng isang straight sa mukha ng katunggali sa ibabaw ng ring.
Butangera at Boksingero.
Ayos ba sa inyo ang tandem na ito na kapwa taga-Mindanao na halos lahat ng matataas na opisyal natin doon na galing.
Kaya sadsad at lugmok na ating mahal na Pilipinas.
The post Lopsided trade na naman! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: