
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 6,684 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Mayo 31.
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,098 na gumaling at 107 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (54,290) ang aktibong kaso, 93.9% (1,155,045) na ang gumaling, at 1.70% (20,966) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Mayo 29, 2021 ngunit mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na nai-test at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 6,684 bagong kaso; 6,098 gumaling; 107 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: