Facebook

Pagpasok ng tag-ulan posibleng pabilisin ng bagyong Dante – Pagasa

LUMAKAS pa ang tropical storm Dante na nasa silangang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, posibleng ito na rin ang maging hudyat ng pagsisimula ng maulang panahon at paglakas ng hanging habagat.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 515 km sa silangan hilagang silangan ng Davao City o 445 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Sa ngayon ay nakataas na ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa eastern portion ng Northern Samar (Mapanas, Gamay, Lapinig, Palapag, Laoang) at northeastern portion ng Eastern Samar (Arteche, San Policarpo).

Maliban dito, may isa pang low pressure area (LPA) na binabantayan dahil papalapit din ito sa ating bansa.

The post Pagpasok ng tag-ulan posibleng pabilisin ng bagyong Dante – Pagasa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpasok ng tag-ulan posibleng pabilisin ng bagyong Dante – Pagasa Pagpasok ng tag-ulan posibleng pabilisin ng bagyong Dante – Pagasa Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.