
Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na nakalatag na ang mga planong magpapalakas sa proteksyon ng bansa laban sa sunog.
Pinuri ni Go ang pagpapatibay sa Bureau of Fire Protection Modernization Act o implementasyon ng multi-year program na magmomodernisa sa pasilidad at kapabilidad ng mga pamatay-sunog.
Ang nasabing panukala ay iniakda at co-sponsored mismo ni Senator Go at tinintahan para maging ganap na batas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 10.
“Sa batas na ito, magha-hire tayo ng mas maraming firefighters at magbibigay ng dagdag na specialized trainings sa lahat ng personnel ng BFP. Bibili rin tayo ng mga modernong kagamitan at fire trucks upang mas maging epektibo ang BFP sa pag-apula ng sunog,” paliwanag ni Go.
“Magkakaroon din ng rescue hotlines sa bawat (local government unit) para mas mabilis na makaresponde ang mga firefighters. Para naman mabawasan ang mga insidente ng sunog ay magkakaroon tayo ng fire prevention campaigns and information drives buwan-buwan, lalo na sa mga informal settlement areas,” idinagdag ng senador.
Samantala, namahagi ng iba’t ibang ayuda ang grupo ni Senator Go sa may 36 pamilyang nasunugan sa Makati, Marikina at Valenzuela.
Ang mga aktibidad ay ginawa sa Palm Village Covered Court sa Barangay Guadalupe Viejo, Makati City; Purok 6 multi-purpose building sa Brgy. Malanday, Marikina City; at sa General Tiburcio de Leon barangay hall sa Valenzuela City.
Bukod sa mga pagkain, namahagi rin si Go ng pares ng sapatos, bisikleta at computer tablets sa mga mag-aaral.
Noong September 24, sumugod din ang grupo ni Go sa Barangays Holy Spirit, Manreza, at Gulod sa Quezon City at Brgy. Santa Lucia sa Pasig City para mamahagi ng ayuda sa mga pamilyang Nasunugan.
The post Mga nasunugan sa Makati, Marikina at Valenzuela, Pasig, QC inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: