Facebook

4 Pulis-Bulacan kulong sa murder

Inaresto ang apat na pulis na may standing warrant of arrest sa kasong murder at arbitrary detention ng kanilang mga kabaro sa loob mismo ng Camp Julian Olivas, San Fernando, Pampanga, Martes ng hapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina PSSg Benjie Enconado y De Castro, 38, ng Crossing, Partida, Norzagaray; PSSg Edmund Catubay Jr y Vilamar, 35, ng Brgy. Sto. Cristo, City of San Jose Del Monte; PSSg Marlon Martus y Mansueto, 37, ng Brgy. Muzon City of San Jose Del Monte at Herbert Linoy y Hernandez, 36, binata ng Riverside, Tikay, Malolos City, Bulacan.

Sa ulat, 2:30 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest sa apat na pulis na may anim na bilang ng kasong murder na inisyu noong September 21, 2021 na walang itinakdang piyansa at 6 bilang ng Arbitrary Detention na may piyansang P18,000 hanggang P36,000.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng SCU3 office ang apat na naarestong pulis.

The post 4 Pulis-Bulacan kulong sa murder appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 Pulis-Bulacan kulong sa murder 4 Pulis-Bulacan kulong sa murder Reviewed by misfitgympal on Setyembre 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.