Facebook

3 miembro ng pamilya minasaker sa QC

PATAY na ng matagpuan ang tatlong miyembro ng pamilya nang pagbabarilin ng nag-iisang gunman na pumasok sa condo unit sa Quezon City nitong Sabado ng madaling araw, Hulyo 31, 2021.

Kinilala ang mga biktima na sina Jesusa Ugay Tabucol, 59, may asawa, OFW recruiter, tubong Pangasinan; Jeheart Ugay Tabucol, 21, binata, walang trabaho; at isang nakilala lamang sa alias ‘Trixy’, na tinatayang nasa edad 20-30, dalaga, may taas na 4’11” at nakasuot ng printed sando brown at pink short pants, pawang naninirahan sa Unit 14 Building 21 MRB St., Barangay Commonwealth, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 3:40 ng madaling araw (July 31), nang maganap ang insidente sa tahanan ng mga biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng CIDU isang saksi na nakilalang si Rannie Cuyugan, duty INC SCAN at naka-assign sa local congregation of Pilot na malapit lamang sa lugar na pinagyarihan ng krimen ang nakatanggap ng message sa facebook mula sa kaibigan na nagtanong kung may narinig umano itong mga putok ng baril mula sa tinitirhan nitong condo.

Dahil dito, agad na umuwi si Cuyugan upang beripikahin ang natanggap na impormasyon pero pagdating niya napansin niyang bukas ang gate ng kanilang condo Unit/building at maging ang tahanan ng mga biktima bukas din.

Pagsilip umano ni Cuyugan sa bukas na pintuan ay bumungad sa kaniya ang nakahandusay na duguang mga biktima kaya agad siyang humingi ng saklolo sa mga opisyal sa kanilang barangay.

Nabatid ng mga awtoridad na ang nag-iisang salarin na pumasok sa unit ng mga biktima ay nakasuot ng kapote, cap, facemask at armado ng baril.

Ayon sa SOCO Team sa pamumuno ni PLt. Reynaldo Tabbada, pawang nagtamo ng maraming tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang mga biktima. Nasamsam sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril.

Iniimbestigahan pa ng mga awtotidad ang motibo ng nangyaring krimen upang makilala ang salarin. (Boy Celario)

The post 3 miembro ng pamilya minasaker sa QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 miembro ng pamilya minasaker sa QC 3 miembro ng pamilya minasaker sa QC Reviewed by misfitgympal on Hulyo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.