Facebook

Pagkalat ng pekeng dokumento, ikinalungkot ni Tansingco

NALUNGKOT si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa pagkalat ng mga pekeng dokumento na nanatili sa sirkulasyon.

Si Tansingco ay nagpalabas ng pahayag matapos na matanggap ang ulat mula sa Anti-Fraud Section ng BI na nagsabing nakapag-examin sila ng may kabuuang 241 na huwad at pekeng dokumento noong 2023.

Ang mga kahina-hinalang dokumentong in-examin ng forensic documents laboratory ay kinabibilangan ng birth at marriage certificates na ginamit para sa visa applications, kabilang din ang passports, visas, at immigration stamps na ginagamit para sa international travel.

Ikinalungkot ni Tansingco ang patuloy na pagkalat ng mga pekeng dokumento, at sinabing karamihan sa mga ito ay mula sa fixers na nangako nang mabilisang proseso ng dokumento ng mga aplikante.

Nagbabala si Tansingco na makabago at moderno na ang gamit ng BI tulad ng ibang immigration agencies sa ibang bansa na kayang matukoy ang huwad at pekeng dokumento.

Ibinahagi din ng BI Chief na mayroong na sila tatlong bagong video spectral comparator, na ginagamit sa advanced forensic-level document examination at maaaring gamitin upang i- check ang travel at identity documents kabilang ang passports, ID cards, visas, at permits.

May dalawa pa na nauna ng dinonate ng ?Australian Government sa pamamagitan ng Department of Home Affairs of the Australian Embassy.

“Apart from our immigration officers who are skilled in detecting fraud, fake documents can already be detected by our modern equipment,” sabi ni Tansingco.

“Those who attempt to use spurious documents will definitely be intercepted,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

The post Pagkalat ng pekeng dokumento, ikinalungkot ni Tansingco appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagkalat ng pekeng dokumento, ikinalungkot ni Tansingco Pagkalat ng pekeng dokumento, ikinalungkot ni Tansingco Reviewed by misfitgympal on Enero 13, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.