Tapos na ang kalbaryo ng mahigit 500 pamilya na naninirahan sa Manotok compound, Hermosa, Tondo, Manila nang agarang umaksyon si District 2 Congressman Rolan ‘CRV’ Valeriano at ang Lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Valeriano na March 10, 2021, nilabas ang desisyon ni Judge Jaime Santiago, at na-receive ng mga taga Brgy. 184 Zone 16 Dist. 2 noong March 12. Pero matapos itong matanggap nagkaroon pa rin ng gibaan. Biyernes dapat huminto sa paggigiba pero Lunes nagpatuloy pa rin na may kasamang mga pulis at swat.
Hinayaan lamang ni Chairwoman Delia Rodriguez, na matuloy ang nasabing demolisyon sa panahon ng pandemya.
Ayon sa batas ang ipinalabas na kautusan ay ang “writ of possession”, na nangngahulugang ibinabalik ang lupa sa mga dating naninirahan at hindi na ito maaaring gibain.
Matapos ang masusing pag-aaral, nakakita ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila kung paano babayaran ang nasabing lupa, kung saan nakipag-usap si Bernardito Ang, Secretary to the Mayor sa mga kinatawan ng Manotok.
Nitong Huwebes, inorderan ng city council, na bigyang kapangyarihan si Manila Mayor Isko Moreno na makipag-negotiate sa balanse noong taon 2015, na nakapag-down na ng 15% (Php 57,577,038.00) ang City of Manila at may kulang pa na 85% (Php 326,269,882.00) sa kabuuang halaga na Php 383,269.882.00.
Hihintayin na lamang ang ordinace upang bayaran ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga Manotok.
The post Higit 500 pamilya sa Manotok compound, ‘di na mawawalan ng tirahan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: