Facebook

Pulis patay, 3 sugatan sa drug ops sa Cotabato

NASAWI ang isang pulis at tatlo ang nasugatan sa anti-illegal drugs operation sa pro-binsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Patrolman Immanuel David Padronia Vales, habang sugatan sina Patrolman Mario Bellisario Rapusas, mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (PNP-RMFB-12); at SSG James Byron Lagarto, nakatalaga sa Alamada Municipal Police Station (MPS).
Patay rin ang target sa ope-rasyon na si Pilong Salangan at sugatan ang kanyang kasama na si alyas Mocad.
Ayon kay Alamada Chief of Police, Major Sunny Leoncito, magsisilbi sila ng warrant of arrest laban kay Salangan sa bahay nito sa Sitio Maracabak, Barangay Guiling, Alamada katuwang ang mga tauhan ng RMFB-12, PDEA-12 at 34th Infantry Battalion Philippine Army. Ngunit papasok pa lamang ang raiding team sa tahanan ng target ay pinaputukan na ang mga ito ng mga suspek, dahilan para magkapalitan ng putok.
Patay ang target at sugatan ang nahuli niyang kasama, at may nakatakas pa.
Patay naman si Patrolman Vales, malubhang nasugatan si Rapusas na nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan, habang may sugat sa paa si SSG Lagarto na sinaksak ni alyas Mocad nang tinangka nitong mang-agaw ng baril.
Kinumpirma ni Major Leoncito na may warrant of arrest si Salangan sa kasong droga.
Nagpapatuloy ang pagtugis ng pulisya at militar laban sa mga kasamahan ni Salangan na nakatakas.

The post Pulis patay, 3 sugatan sa drug ops sa Cotabato appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis patay, 3 sugatan sa drug ops sa Cotabato Pulis patay, 3 sugatan sa drug ops sa Cotabato Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.