Facebook

Mommy naburyon, napatay sa palo ang sanggol

DINAKIP ang isang menor de edad na ina makaraang mapatay nito ang anak sa palo sa Taguig City.
Kinilala ang inaresto na si Christine May Dabuit, 18 anyos, at single mom.
Sa ulat, naganap ang insidente sa Sitio Imelda, Barangay Upper Bicutan nang nagising si Dabuit 12:00 ng hapon dahil sa pag-iyak ng kanyang anim na buwan gulang na baby. Sa pagkabuwisit, dumampot ito ng yantok at ilang beses na pinagpapalo ang sanggol hanggang sa mahirapan na itong huminga.
Agad dinala ang sanggol sa Bgy. Upper Bicutan Health Center pero inabisuhang dalhin na ito sa ospital. Ngunit dead on arrival na ang sanggol nang dumating sa Taguig-Pateros District Hospital (TPDH).
Inireport ng ospital sa pulisya ang insidente.
Ang kapatid ni Dabuit na si Monique Mata ang complainant sa kaso. Aniya, inampon niya ang pamangkin noong da-lawang buwan gulang pa lamang ito ngunit isinoli sa ina noong Abril 1 nang mawalan siya ng trabaho.
Sa autopsy report, abdominal trauma ang ikinamatay ng baby, at dahil sa pagpalo rito ay may mga namuo na dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, maging sa mukha nito.
Nahaharap si Dabuit sa kasong parricide. (G. Bonilla)

The post Mommy naburyon, napatay sa palo ang sanggol appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mommy naburyon, napatay sa palo ang sanggol Mommy naburyon, napatay sa palo ang sanggol Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.