PINAIIMBESTIGAHAN ng Makabayan bloc sa Kamara ang napaulat na profiling at red-tagging sa mga volunteers at organizers ng mga itinayong community pantries.
Sa isang resolusyon na inihain nitong Miyerkules, Abril 21, sinabi ng Makabayan bloc na ang mga organizers at volunteers sa community pantries ay hindi deserving sa harassment at mga walang basehan na akusasyon mula mismo sa pamahalaan na bigong makapagbigay ng sapat na serbisyo sa mga Pilipino ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Nitong Martes, Abril 20, pansamantalang sinuspinde ni Ana Patricia Non ang kanilang operation sa Maginhawa community pantry dahil sa red-tagging sa kanila sa social media.
Isa sa mga screenshots na kasama sa ibinahaging Facebook post ni Non ang post ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Quezon City Police District.
Nakasaad sa naturang mga posts na ang mga community pantries na itinayo ay nagagamit sa mga propaganda ng mga komunistang grupo.
Sinabi rin ni Non na mayroong mga pulis na kumuha ng kanyang number at membership sa mga organisasyon.
Pinabulaanan naman ito ng Philippine National Police, na ayon kay chief Gen. Debold Sinas ay hindi siya naglabas ng mga utos sa kanyang tauhan para i-profile ang mga organizers ng mga community pantries. (Henry Padilla)
The post ‘Profiling, red-tagging’ sa mga organizers ng community pantries pinasisilip sa Kamara appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: