Facebook

TALISAY WALANG SABLAY, MANDAUE BUMAWI!

UMALAGWA ang KCS Computer Specialist-Mandaue upang makabawi mula sa dikitang duwelo sa krusyal na sandali para maigupo ang ARQ Builders Lapu-Lapu City, 77-66, Martes ng gabi sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg double-round elimination sa Alcantara Civic Center sa Alcantara, Cebu.
Binanderahan ni Gryann Mendoza, kumana ng 19 puntos at 10 rebounds, ang tikas ng KCS laban sa kulang sa players, ngunit determinadong karibal para sa ikatlong panalo sa apat na laro (3-1) at makamit ang solong ikalawang puwesto sa likod nang nangungunang MJAS Zenith-Talisay City (5-0).
Nakumpleto ng title favorite MJAS Zenith-Talisay City ang makasaysayang first round sweep sa six-team tournament matapos donimahin ang Tabogon, 85-65, sa unang laro.
Matikas na nanindigan ang Tabogon sa kaagahan ng laro at nakadikit sa 34-39 sa unang minuto ng third period, ngunit humaribas ang Aquastars , tungo sa 28-10 run para palawigin ang bentahe sa 23 puntos, 67-44, tungo sa final period.
Nag-ambag si Rhaffy Octobre ng 13 puntos sa KCS, sapat na para maibsan ang kakulangan sa opensa matapos magtamo ng injury ang team captain nilang si Jerick Canada.
Sa kabila ng kakulangan sa firepower bunsod ang suspension sa ilang star players na nasangkot sa kabalbalan na nagresulta sa pagka-banned ng buong koponan ng Siquijor may isang linggo na ang nakalilipas, nagawang makabante ng Heroes sa unang tatlong minuto, bago rumatsada ang KCS para agawin ang bentahe sa 52-47 tungo sa final period.
Sa kabila ng panalo, ikinalungkot ni KCS head coach Mike Reyes ang naging diskartte ng team sa kabuuan.
“We weren’t sharing the ball. We wanted to beat three people!” sambit ni Reyez.
Bagsak ang ARQ sa 2-2.
Sa kabila ng dominanteng kampanya sa first round, ayaw pakampante ni MJAS-Talisay head coach Aldrin Morante.
“ Paghahandaan kami ng mga karibal na teams , kaya hindi kami puwede magkumpiyansa,” pahayag ni Morante. “Babalik na rin yung mga players ng ARQ kaya dapat naming paghandaan ‘yun.”

The post TALISAY WALANG SABLAY, MANDAUE BUMAWI! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TALISAY WALANG SABLAY, MANDAUE BUMAWI! TALISAY WALANG SABLAY, MANDAUE BUMAWI! Reviewed by misfitgympal on Abril 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.