Facebook

6 KATAO DINUKOT NG ARMADONG GRUPO SA TAGUIG!

ANIM na indibidwal ang dinukot ng mga armadong lalaki sa Bagumbayan, Taguig City.
Kinilala ang mga dinukot na sina Mark Melvin Tiangco, 29 anyos; magkapatid na Mario Uñate, 52, at Frankie Uñate, 42; isang Nicole; isang Jefford; at isa pang hindi kilalang lalaki.
Sa ulat, sa kuha ng CCTV nitong Marso 10, makikita ang pagpasok ng mga armadong lalaki sa isang eskinita sa Road 10, Joseph Street ng nasabing barangay.
Ipinarada ng mga salarin ang kanilang sasakyan. Ilang saglit pa ang lumipas, isa-isa na nilang isinakay ang anim na tao.
Unang kinuha ang mga bumibili ng miryenda sa lugar.
Ayon sa kay alyas “Nihan,” kapatid ni Tiangco, natutulog si Tiangco sa bahay ng kaibigan nitong si Benigno Soro-Soro na kalalaya lang nang makulong ng halos isang taon dahil sa iligal na droga.
“Natulog po siya doon sa kaibigan niya nang may duma-ting pong mga armado. Madami po kasi sila, mga 20 katao,” sabi ni Nihan.
Nagawa namang makatakas ng isang “Soro-Soro”.
Dating staff sa warehouse si Tiangco pero nawalan ng trabaho.
Ang magkapatid naman na Uñate na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay ay hindi nasangkot sa droga o anumang gulo sa kanilang lugar.
Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya kaugnay ng insidente.
Nitong Pebrero, dalawang pulis ang magkahiwalay na dinukot ng mga armadong lalaki sa Maynila sa loob lang ng anim na araw.
Dalawang lalaki rin ang dinukot sa Las Piñas nung Marso; at 3 magkakaibigang lalaki na nakaistambay sa labas ng isang bahay sa Santa Cruz, Manila ang dinukot din.(Gaynor Bonilla)

The post 6 KATAO DINUKOT NG ARMADONG GRUPO SA TAGUIG! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
6 KATAO DINUKOT NG ARMADONG GRUPO SA TAGUIG! 6 KATAO DINUKOT NG ARMADONG GRUPO SA TAGUIG! Reviewed by misfitgympal on Abril 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.