Facebook

PR officer nagpasok ng shabu sa QC Jail

SWAK sa kulungan ang isang Public Relation Officer (PRO) nang mahulihan ng P34,000 ha-laga ng shabu nang tangkain ipa-sok sa loob ng police detention cell sa Quezon City.
Kinilala ni Quezon City Police District – Talipapa Police Station 3 commander Lt. Colonel Cristine Tabdi ang nadakip na si Roma Agustin, 36, PRO, ng 19 Hunter corner Camaro sts. Bgy. Fairview, Q.C.
Ayon kay Cpl. Paulo Tumbaga, imbestigador, 8:50 ng gabi nitong April 24, 2021, tinangka ipasok ng suspek ang dalawang plastic sachets ng shabu na humigit kumulang sa 5 gramo at may street value na P4,000.00 sa loob ng detention cell.
Binisita ng suspek ang kanyang live-in partner na nakakulong sa naturang police station at tinangka ipasok ang droga na nakabilog sa tatlong piraso ng P20 na papel.
Nahalata ng police jailer ang tangka pagpuslit ng suspek ng droga kung kaya’t sinita ang hawak nitong perang papel at nang inspeksyunin ay nakita ang shabu.
Agad dinakip ang suspek at nahaharap sa kasong illegal drugs. (Boy Celario)

The post PR officer nagpasok ng shabu sa QC Jail appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PR officer nagpasok ng shabu sa QC Jail PR officer nagpasok ng shabu sa QC Jail Reviewed by misfitgympal on Abril 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.