Facebook

Bisor ng DOLE patay sa ambush

PATAY ang supervisor ng DOLE-Stanfilco nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang riding in tandem nitong Boyernes sa Kidapawan city.

Kinilala ang biktima na si Armando Ginota, 50, may asawa, at residente ng Sandawa Homes Phase 2 Barangay Poblacion Kidapawan City.

Sa report ng Kidapawan City Police, naganap ang krimen sa Barangay Lower Manongol Kidapawan City.

Ayon sa ulat, sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo papasok sa trabaho nang bigla na lamang itong dikitan ng riding in tandem at pinagbabaril .45 kalibre na baril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.

Dinala naman ang biktima sa ospital ng mga rumespondeng awtoridad pero nalagutan na rin ito ng hininga.

Inaalam na ngayon ng pulisya ang tunay na motibo sa krimen sa pagkakakilanlan sa mga salarin.

The post Bisor ng DOLE patay sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bisor ng DOLE patay sa ambush Bisor ng DOLE patay sa ambush Reviewed by misfitgympal on Hulyo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.