Facebook

LUTONG LUTO ANG LOTTO

Hay naku, napakawalang palad ng bansa ito sa uri ng mga nanunungkulan sa pamahalaan na una sarili bago ang bayan. Ang masakit pansarili na ang lakad tuyo pa ang utak at ang pagsandal sa nagtalaga ang kagalingan. Habang ang nagtalaga’y ‘di binatid ang kalidad ng itinalaga gayung sa rank-and-file napakahirap pumasok o makapasok sa tanggapan sa pamahalaan. Sa kasabikan na maglingkod sa bayan, nariyan ang oplan pakilala sa tagapagpaganap na nakatago sa programa na dala ng tanggapan. Sa pagmamadaling magpakilala sa bayan, nariyan ang gantimpala na pagkamal ng limpak- limpak na salapi na gamit upang ‘di malimutan ng mga manghahalal. At kung may balakid sa pagnanais sa pwestong asam, ang paghahanda sa kabuhayan ang sinisiguro sa kinabukasan. At tulad ng marami, kargo ni Mang Juan sa balikat ang pabaon sa pagtatapos ng termino sa pamahalaan.

Sa paglulunsad ng programa sa mga tanggapan sa pamahalaan, iisa ang layon, serbisyo para sa bayan.Walang pagtatangi sa kung sino ang sineserbisyuhan sa halip ang kagalingan ng nakararami ang patunguhan. Ang pagbaba ng serbisyo’ sa pamayanan ang tuwirang pagpapakilala ng ahensiya ‘di lang sa ahensyang dala higit ang pagpapakilala sa kung sino ang nagpapababa ng serbisyong bangit. Sa paraan ng pagpapababa ng serbisyong bayan, nariyan ang pagbalatay ng kung sinong Pilato na ‘di mapagod sa pag-aabot ng tulong sa tao na ‘di bangit ang ngalan ngunit mababasa sa suot at naglalakihang tarpaulin na sa palibot ng lugar na pinaggaganapan. Ito’y sa araw ng pamamahagi ng tulong subalit na una na paglilibot sa pamayanan ng mga balalay na bangit ang ngalan ng lider ng ahensyan. Pansin mo ba Mang Juan?

Sa totoo lang, hindi serbisyong ang alay sa tao sa laylayan higit kung ang namamahagi’y opisyal na batid ang layon sa kinabukasan. Walang pagtatangi, ito’y karaniwang karanasan ng Pinoy sa mga opisyal ng bayan na namamahagi ng ayuda sa karaniwang tao. Sa bansang ito, karaniwan na sinasangkalan ang ibig kuno ng nakararami ang programang dala ngunit pinagkakakitaan. Ang magaling sa kilos ng mga lider ng bansa, batid ang paglalako sa sarili na nakatago sa kagalingan kuno ng nakararami. Pansinin sa mga programa, maging sa larong kasama ang swerte, nariyan ang paglililo sa nakararamin ngunit laging may wow mali sa kilos at pahayag. Tulad sa ahensya ng lotto na ‘di nilinis ang larawan ng isang nagwagi, kuno. Bukodo na ibig pang lumusot kaya’t nagka hetot hetot. Marahil, sa ilang pagkakataon na nakakalusot ang panlililo ngunit ‘di sa lahat ng pagkakataon.

Silipin ang ilang kaganapan sa Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO), maganda ang paglalarawang sa mga nagwagi sa lotto at nagalak ang ahensya na bigyan ng mas malaking pa premyo ang mga tumatangkilik sa lotto. Bago ang lahat, nariyan ang iba’t – ibang bolahan, ang easy2,4D,6D at 6/42,6/45,4/49,6/55 at 6/58 na lubhang tinatangkilik ng mamamayan . Maraming Pinoy ang nahuhumaling sa larong bangit na kahit ibibili ng kakainin, sasapalaran sa pagtaya sa lotto ang uunahin. Hindi mapigil ang pagtaya kahit ramdam ang pagkalam ng tiyan sa pagnanais na makaahon sa hirap. Sa kaayusang ito, tila dumarami ang naghirap sa halip na umahon ang kabuhayan dahil sa swerteng ibig.

Sa pagnanais na makatulong sa mamamayan, tila hinihila ng PCSO ang nasa laylayan ng lipunan na bumaling sa swerte sa halip na pagsisikap ang gawin. Sa pagtangkilik sa kinagigiliwan laro, dumarami ang kawalan ng kaperahan dahil sa maling pang-aakit ng nasabing ahensya sa mga taong naghaharimunan. Tunay na nakakahumaling ang mapapanalunan halaga ngunit mataas pa ang porsyento na tamaan ng kidlat kumpara sa lotto. Ang biglaang dating ng pera, umasa na magkasimbilis ang pag-alis. Hindi masama ang pag-asenso ngunit ang magsumikap higit ang nakapag-aral ang malinaw na susi sa matagalang pag-unlad ng buhay. At sa totoo lang, tumaya ng sige ang dahilan ang hinihikayat sa pagtaas ng benta sa mga lottohan. Maging ang Batingaw ay tumatapon ng daang halaga sa sapalarang umasenso sa buhay.

Sa panahon ng malamig na kapaskuhan at bagong taon, may gimmick ang PCSO na higit na akitin ang maraming mananaya ng lotto sa pagtaas ng halaga ng “pot-money” sa P500M bilang simula. Sa laki ng halaga ng premyo higit na dumami nagbakasakali at tumaya. Batubalani ang paglaki ng premyo sa mananalo na kinasaya ng tangapan. Hindi maitago ang ngiti ng puno ng tangapan na si ROBmore sa dami ng mananaya na nagresulta sa higit na paglaki ng “pot-money”. At sa totoo lang, habang lumalaki ang papremyo, dumadami ang mananaya subalit lumalaki ang buwis na ibabawas na 20% ng halaga ng mapagwawagihan. Matagumpay ang pakulo sa dami ng tumaya.

Sa pagdami ng nalilo na tumangkilik sa paglaki ng premyo, tila na gulihanan ang kung sino at kailangan ng may manalo. At hindi nagtagal isa – isang napanalunan ang malaking halaga na umaabot sa P600M+. Ngunit hindi naging mapalad ang mga PCSO ng batid ng isang senador tila may “hocus pokus” na nagaganap sa lotto draws at nagpatawag ng pagdinig sa senado. Dito nabatid ang halaga ng bibilhing kumbinasyon upang magwagi ang P600M+ ay aabot lang sa P260M. Di ba tubong lugaw ang na parang ibibigay sa sinong mapalad ang nasabing halaga. Kahit bawasin ang 20% na buwis na P130M, at isama pa sa mabawasan ang halaga ng taya, may netong P210M ang napagwagian. At sino ang hindi susugal sa ubod laking perang tila ibinigay ng ahensya sa kung sinong kaibigan o kamag-anak.

Sa pagtiyak na may nanalo sa bawat bolahan ng lotto, hindi maalis na lutong luto ang mga bolahan sa mga lottong nagbigay ng higit sa P500M halaga. May mga marumi ang isip na maaring nagCash Advance ang sinong Pilato sa kung saan ahensya upang mabili ang dami ng ticket na nagkakahala ng P260M. At dahil tiyak ang panalo, hayun hayahay ang buhay ng mga manlililo sa maliliit na kababayan na umasa sa tamang ‘di makakamtan. Tunay na lutong-luto ang lottohan sa ilang ganid na ginamit ang sarling salaping bayan upang mapagwagian ang mga jackpot na mahigit na P1.5B ang kabuuan sa naganap na bolahan. Sa COA, paki busisi ang mga transaksyon sa ahensya ng malinis ang mga ngalan ng tunay na malinis at maalis ang duda ni Mang Juan sa mga nagsipanalo. Panahon ng iayos ang pamamahala sa PCSO at damihan ang ayuda sa mga tunay na nangangailangan higit sa mga may sakit na lumalapit sa ahensya.

Maraming Salamat po!!!

The post LUTONG LUTO ANG LOTTO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LUTONG LUTO ANG LOTTO LUTONG LUTO ANG LOTTO Reviewed by misfitgympal on Enero 23, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.