Facebook

P3.4m shabu nakumpiska sa 2 drug dealer sa Maguindanao

CENTRAL MINDANAO – Nahuli ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang drug dealer sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ang mga suspek na sina Alinor Taurac at Ibra Farhan, incumbent Barangay Kagawad ng Barangay Guinaopan, Tamparan, Lanao del Sur.

Ayon kay PDEA Maguindanao Provincial Officer Anthony Naive, nagsagawa sila ng drug buybust operation katuwang ang pulisya sa Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao.

Nagtangka pa sanang tumakas ang mga suspek gamit ang kanilang Toyota Revo (WHF 481) ngunit na-korner na ito ng nga otoridad.

Nakuha sa mga suspek ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon pesos.

Sa ngayon, nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Sultan Mastura PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

The post P3.4m shabu nakumpiska sa 2 drug dealer sa Maguindanao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P3.4m shabu nakumpiska sa 2 drug dealer sa Maguindanao P3.4m shabu nakumpiska sa 2 drug dealer sa Maguindanao Reviewed by misfitgympal on Hulyo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.