Facebook

Pekeng staff ni Cong. Romero huli sa pagso-solicit

Arestado ang isang indibidwal na gumagamit ng pangalan ng isang mambabatas.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, kinilala ang suspek na si Christine Joy Lagrisola.

Nag-ugat ang kaso sa kahilingan ni Congressman Michael Romero, Representative ng 1PACMAN Partylist na imbestigahan ang reklamo laban sa suspek.

Sa ulat, nagpapakilala ang suspek na miyembro ng staff ng mambabatas at nagso-solicit ng pera para sa financing business gamit ang pangalan ni Cong. Romero.

“According to the Subject, the supposed investor of which will be a sub-junket operator.” saad ng NBI.

Nakapagbigay naman ng halagang P 2,500,000.00 ang complainant kung saan pinangakuan siya ng interest na 27%.

Gayunman walang naibalik na kita sa complainant bukod pa sa nag-isyu ito ng talbog na tseke.

Dahil dito, binirepika ng conplainant sa opisina ng kongresista kung staff nito ang suspek at may otoridad na maghingi ng pera para sa investment money sa kanyang ngalan.

Pinabulaanan ito ng mambabatas at agad naghain ng reklamo sa NBI nang malaman ang scam ng suspek.

Sa kanyang liham sa NBI, sinabi ng mambabatas na wala siyang kaugnayan sa suspek at wala rin itong financing bussiness bilang investor o financer sa anumang casino bussiness sa bansa.

Kasunod nito, ikinasa ang entrapment operation sa isang condominium sa New Manila, Quezon City kung naaresto si Lagrisola.

Nakasuot pa ng ID na may logo ng House Representatives ang suspek na sinampahan ng kasong swindling/estafa. (Jocelyn Domenden)

The post Pekeng staff ni Cong. Romero huli sa pagso-solicit appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng staff ni Cong. Romero huli sa pagso-solicit Pekeng staff ni Cong. Romero huli sa pagso-solicit Reviewed by misfitgympal on Hulyo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.