SASALA ang sandok sa palayok pero di ang nakatadhanang pagluklok kay Mayor Inday Sara Duterte bilang ika-17 pangulo ng republika.
“Sigurado na ang naka-schedule na paninirahan nito sa Malacanang sa pagtatapos ng termino ng kanyang ama sa Hulyo ng 2022”!
Ito ang fearless forecast ni Pastor Apollo Quiboloy,founder ng Kingdom of Jesus Christ church.
Si Quiboloy na kilalang political ally ng mga Duterte ay nagsabi rin na maging si President Rodrigo Roa Duterte,ama ng mayora ng Davao City ay di mahahadlangan ang kapalarang naghihintay sa younger Duterte.
Si Inday Sara na tulad ng kanyang ama ay isang abogado at naging chief executive rin ng Davao City gaya ng kanyang amang si Digong ng may ilang termino.
Consistent frontrunner si Inday Sara sa mga surveys na ginawa para sa mga napipisil na presidential bets para nga sa paparating na halalan.
Sa pinakahuling tala ng Pulse Asia,nakakuha ito ng almost 28 percent preference mula sa mga tinanong na mga Pinoy.
Nag number1 din ito sa surveys na ginawa among OFWs na lamang ng di bababa sa kinse porsiyento ang kalamangan sa pumangalawa na si Sen.Manny Pacquiao.
Suportado rin ito ng kanyang itinatag na Hugpong Ng Pagbabago (HNP), isang regional party ng sikat at bigating pulitiko at political clans ng Mindanao.
Bukod sa HnP, marami na ring national political parties ang nakaplanong i-adopt si Inday Sara as their official candidate for presidency.
Ayon pa sa mga lider ng partidong ito,ang magiging o kung sino man ang tatakbong ka-tandem nito ang nananatiling unsettled issue.
Marami na ring mga pangalan ang nabanggit na posibleng makatandem ng Davao City mayor gaya nina former GMA defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro,former Senator Bongbong Marcos,sitting Senator Bong Go at maging ang kanya amang si outgoing president PRRD.
Lahat ay pawang walang katiyakan pa at pawang espekulasyon pa lamang.
Ang tiyak at walang sablay ay ang nakatakdang landslide win ni Inday Sara sa 2022 ayon pa kay Quiboloy.
Sa personal nating pananaw,klaro na wala pang indibidwal o pulitikong puwedeng itapat o ibangga dito kay Inday Sara ng oposisyon o maging ng iba pang grupo.
Sara Duterte is a one of a kind public servant cum politician.
Di pa ito natatalo sa ano mang eleksyong nilahukan nito.
Undefeated and immaculately clean ang kanyang winning record.
Wala ring puwedeng kumuwestiyon sa uri at kalidad ng kanyang leadership style at malalim na kaalaman sa public governance.
Kung destiny nga ni Inday Sara na humalili sa kanyang amang si President Rody Duterte bilang Pangulo ng bansa,sigurado tayo na malaking pabor at ginhawa ito sa sambayanang Pilipino.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post 17th PRESIDENT appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: