Facebook

Pagpatay sa 2 katao sa Makati hagip ng CCTV

NASAWI sa ambush ang isang babae at lalaking sakay ng van sa Bel Air, Makati, Miyerkules ng hapon.
Kinilala ang dalawa na sina Bonifacio De Vera Jr., 62; at Remigia De Vera, 62, taga-magkaibang lugar sa Quezon City.
Sa ulat, sangkot sa pamamaril ang isang hindi pa nakikilalang lalake at babae na duma-ting sa lugar sakay ng kulay gray na Sedan base sa kuha ng CCTV sa lugar.
Ayon sa pulis, nagkaroon pa ng pag-uusap ang isang salarin sa mga biktima bago ang pa-mamaril 1:35 ng hapon.
Nabatid na unang pumarada sa bahagi ng Jupiter Street ang van na sakay ang mga biktima. Sumunod na pumarada ang Sedan sa harapan ng van.
Pumasok sa van ang babaeng salarin, pero bumaba maya-maya at nakipag-usap sa kasama niyang lalaki. Tapos pumasok sa van ang lalaki at pinagbabaril ang mga biktima sa loob ng sasakyan.
Tinamaan sa katawan si Bonifacio na drayber ng van, habang napuruhan sa mukha si Remigia na nakaupo sa likod ng driver’s seat.
Lumabas ng van ang lalaki na may bitbit na green eco-bag. Tumungo ng South Avenue sa Makati ang sasakyan ng mga salarin.
Narekober ng Makati SOCO ang anim na basyo at isang bala mula sa caliber .45 na baril.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyari. (Gaynor Bonilla)

The post Pagpatay sa 2 katao sa Makati hagip ng CCTV appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpatay sa 2 katao sa Makati hagip ng CCTV Pagpatay sa 2 katao sa Makati hagip ng CCTV Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.