Facebook

‘NARCO MAYOR’ PINAALALAHAN NI GOB. KUNG KAILAN MATOTODAS!

NAGPAHAYAG ng sama ng loob si Banga Mayor Albert “Boyet” Palencia sa tila panghuhula at paalala diumano ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., sa kanya kung anong buwan mamamatay ang nasabing alkalde.
Sa report, binigyang diin ng alkalde na pinupulitika siya ng gobernador dahil sa nagpaha-yag na ito ng suporta sa magi-ging katunggali nito sa darating na eleksiyon.
Maliban dito, hindi rin umano makatarungan ang ginawang pagrekomenda ng gobernador sa pag-relieve sa kanyang hepe na si Police Major Joseph Forro III.
Ayon pa sa alkalde, dahil kontra partido siya ay pinag-iinitan siya kungsaan labis ni-yang ikinagulat at ikinadismaya ang diumano’y pahayag ng gobernador na ‘di na aabot sa buwan ng Marso ang buhay niya (Mayor) dahil mamamatay na ito.
Dahil sa nasabing pahayag, todo ngayon ang pag-iingat ni Mayor Palencia dahil baka maging totoo ang babala ng gobernador na ikinumpara nito noong bago paman namatay si Mayor Pablo Matinong ng bayan ng Sto. Nino.
Matatandaan na isa ang alkalde ng Banga sa diumano’y kabilang sa narco politicians na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit pilit na pinaninindigan ng alkalde na wala itong katotohanan.

The post ‘NARCO MAYOR’ PINAALALAHAN NI GOB. KUNG KAILAN MATOTODAS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘NARCO MAYOR’ PINAALALAHAN NI GOB. KUNG KAILAN MATOTODAS! ‘NARCO MAYOR’ PINAALALAHAN NI GOB. KUNG KAILAN MATOTODAS! Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.