
Nakaligtas sa pamamaril ng riding-in-tandem ang isang lalaking tatakbong bise alkalde sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao ngunit napatay ang isa nitong escort.
Ayon sa ulat, Miyerkoles ng tanghali nang binabaybay ng pick-up ni Sam Zailon Esmael, ang Salbu-Dapiawan highway nang bigla na lang umatake ang riding-in-tandem.
Sa ulat, pinagraratrat ang sasakyan ni Esmael ngunit himalang nakaligtas ito.
Samantala, ang isa niyang escort na nakaupo sa cargo section ng pickup ang napatay.
“We have yet to verify the identity of the fatality from the Esmael family,” pahayag ni Col. Jibin Bongcayao, police provincial director sa Maguindanao.
Isinasagawa naman ang manhunt operation upang makilala ang mga salarin at ang posibleng motibo ng mga ito.
Maalalang tumakbo na rin si Esmael bilang alkalde sa bayan ng Datu Salibo noong 2019 ngunit natalo at ngayon tatakbong vice mayor.
The post Takbong vice mayor tinambangan, eskort todas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: