Facebook

3 MENOR DE EDAD ‘NI-RAPE’ NG LIDER NG KULTO SA QC

DINAKIP ang isang lider ng kulto matapos ireklamo ng panggagahasa ng tatlong miyembro na menor de edad sa Quezon City.

Kinilala ang inaresto na si Romeo delos Reyes, 46 anyos, nagtatrabaho bilang janitor sa isang warehouse.

Sa ulat, nagsumbong sa otoridad ang tatlong batang edad 10, 12 at 14-anyos nang pagsamantalahan umano ng lider ng sinalihan nilang religious group.

Ayon kay Police Lieutenant Elizabeth Jasmin, hepe ng QCPD Station 11, hinihipuan ni Delos Reyes ang mga bata bilang parte umano ng “blessings”.

Bagama’t itinanggi ni Delos Reyes na ginahasa niya ang mga bata, inamin niya na minsan niyang nahawakan ang isa sa dibdib.

Ayon sa report, naganap ang panggagahasa sa bahay ni Delos Reyes na nagsisilbi ring bahay-dasalan ng kaniyang mga miyembro.

Kuwento ng mga magulang ng biktima, hindi na nila makausap nang maayos ang kanilang mga anak matapos makitulog sa bahay ni Delos Reyes.

“Tulala sila kasi according dun sa mga parents na na-interview namin, hini-hypnotize sila. Pag tinanong sila hindi sila sumasagot. After how many days tsaka nalang sila nakakausap,” ani Jasmin.

Kilala rin daw bilang albularyo si Delos Reyes at isa sa mga nagamot nito ang mga magulang ng mga biktima at libre ang serbisyo nito.

Kinasuhan si Delos Reyes ng ‘Rape’ in Relation to Child Abuse at Illegal Possession of Ammunition dahil may mga nakumpiska na mga bala rito.

The post 3 MENOR DE EDAD ‘NI-RAPE’ NG LIDER NG KULTO SA QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 MENOR DE EDAD ‘NI-RAPE’ NG LIDER NG KULTO SA QC 3 MENOR DE EDAD ‘NI-RAPE’ NG LIDER NG KULTO SA QC Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.