Facebook

2 kagawad ng barangay sa Isabela tinodas

ISABELA – Dalawang kagawad ng barangay ang pinaslang sa magkahiwalay na lugar dito sa lalawigan.

Ang isa sa mga biktima na nakilalang si Alejandro Mad-dawin, 59 anyos, ay kagawad ng Barangay San Jose, bayan ng Delfin Albano.

Si Maddawin ay pinaslang ng riding in tandem sa labas ng kanyang pinapagawang kubo sa Bgy. Barumbung, Sto. Tomas. Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa tagiliran, dibdib at ulo at namatay noon din.

Ang mga salarin ay nakasuot ng fatigue jacket at itim na helmet. Mabilis na tumakas ang mga ito nang makitang wala nang buhay ang biktima sakay ng pulang Suzuki Raider.

Agad namang naglabas ng direktiba si Police Col. James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, para sa agarang imbestigasyon at hot pursuit operation sa mga pinaghihinalaan.

Samantala, una nang naiulat na dinukot ang isa rin barangay kagawad na si Louie Doque ng Trinidad, Mallig, Isabela nitong Sabado.

Sa patuloy na paghahanap ng pulisya ay natagpuan ang kanyang bangkay na palutang-lutang sa ilog ng Sta. Isabel Norte, Ilagan City. May mga tama ito ng bala ng baril sa katawan. (Rey Velasco)

The post 2 kagawad ng barangay sa Isabela tinodas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 kagawad ng barangay sa Isabela tinodas 2 kagawad ng barangay sa Isabela tinodas Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.