Facebook

Bgy. kagawad nasawi sa paghabol sa quarantine violators; Vice Mayor patay sa bikefest

NASAWI ang isang barangay kagawad nang ma-stroke habang humahabol sa mga tumatakas na violators sa unang araw ng pagpapatupad ng ‘No Movement Sunday’ sa barangay Singao, Kidapawan City.

Kinilala ang namatay na si Jim Batislaon, barangay kagawad ng Singao.

Ayon kay Kidapawan City Police chief, Lt. Col. Rammel Hojilla, may sinitang violators si Batislaon sa checkpoint ng barangay subali’t tumakbo ang mga ito.

Ayon naman sa ilang residente, mga menor de edad ang mga violator na pawang taga-barangay Sikitan na tila nakai-nom pa ang isa sa mga ito.

Nahabol at nahuli ni Batislaon ang mga violator. At nang dadalhin na ito ng mga pulis ay nagboluntaryong sumama ni Batislaon sa istasyon ng pulisya subali’t bigla itong natumba, inatake ng highblood at na-stroke.

Nasa kustodiya ngayon ng Kidapawan PNP ang dalawang menor de edad.

***

ILANG araw lang matapos gumaling sa sakit na Covid-19, pumanaw si Dumaguete Vice Mayor Alan Gel Condova nang mag-collapse habang nasa charity bike run event sa lungsod.

Ayon sa kapartido nitong si Councilor Joe Kenneth Arbas, dumanas ng paninikip ng dibdib si Condova nitong Linggo, Mayo 30, matapos magbisikleta ng 30 kilometro.

Bumagsak si Condova sa highway malapit sa St. Paul University nang pabalik na ito.

Nakuha pang mai-revive si Condova ng mga doktor subali’t bumigay din 10:00 ng umaga

The post Bgy. kagawad nasawi sa paghabol sa quarantine violators; Vice Mayor patay sa bikefest appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. kagawad nasawi sa paghabol sa quarantine violators; Vice Mayor patay sa bikefest Bgy. kagawad nasawi sa paghabol sa quarantine violators; Vice Mayor patay sa bikefest Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.