Facebook

2 patay, 6 sugatan sa salpukan ng AUV at Elf truck

NASAWI ang dalawang sakay ng AUV nang mabangga ito ng Elf truck sa Gumaca, Quezon nitong Lunes ng ma-daling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Romel Periabras at Howard Ojenal, kapwa idineklarang dead on arrival sa ospital.

Nagtamo naman ng bone fracture at head injury ang anim pang sakay ng AUV kabilang ang driver nito.

Sa kuha ng CCTV, pasado alas-dos ng madaling araw makikitang halos walang dumadaan sa isang intersection sa Gumaca. Bigla nalang sumulpot mula sa magkaibang direksiyon ang isang Elf truck at isang AUV na parehong sobrang tulin ang takbo.

Nakita sa CCTV ang salpukan ng truck at AUV. Tila lumipad ang AUV at humampas sa isang signage. Wasak na wasak ang AUV.

Minor injuries naman ang natamo ng driver ng Elf truck na nakilalang si Michael Angelo Lazaro ng Valenzuela City.

Ayon sa report ng Gumaca Municipal Police Station, patungo sa Bicol ang AUV, habang patungo ang Elf truck sa Maynila. Accident-prone ang lugar ng pinangyarihan.

Dahil may namatay sa AUV, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide, multiple physical injuries and damage to property ang driver ng truck.

The post 2 patay, 6 sugatan sa salpukan ng AUV at Elf truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay, 6 sugatan sa salpukan ng AUV at Elf truck 2 patay, 6 sugatan sa salpukan ng AUV at Elf truck Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.