Facebook

Sekyu pinagtataga ng biyenan

PATAY ang isang security guard nang pagtatagain habang naka-duty ng biyenan sa Cabanatuan City, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Billy Joe Salangga; at ang salarin ay si Joseph Tamayo.

Ayon sa report, nagkaroon ng pagtatalo sa pinapasukan nilang subdivision ang biktima at si Tamayo.

Ayon sa kasamahan nilang sekyu, pinagtataga ni Tamayo ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad niyang ikinamatay.

Kwento ng pamilya ng biktima, amain ng kanyang asawa si Tamayo na nagpasok pa sa kanya sa kanilang security agency.

Pero nalaman ng biktima na umutang ang kanyang biyenan at sa sahod niya ikinakaltas ang pambayad sa utang nito.

Isinumbong ni Salangga ang sitwasyon sa asawa ng kanyang biyenan pero tila hindi ito nagustuhan ni Tamayo kaya sinugod nito ang biktima sa naka-duty.

Nadamay rin ang kasama niyang sekyu na sugatan din at itinakbo sa ospital.
Itinakbo rin ni Tamayo ang motorsiklo ni Salangga.

Pinaghahanap pa ng mga otoridad ang salarin na mahaharap sa kasong murder at frustrated murder.

The post Sekyu pinagtataga ng biyenan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sekyu pinagtataga ng biyenan Sekyu pinagtataga ng biyenan Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.