Facebook

Demolisyon sa Tondo, napigilan!

NAGKAROON ng matinding tensiyon nang pumalag ang ilang residenteng tatamaan ng demolisyon sa Brgy. 184, Zone-15 sa Maliklik Street, Tondo, Maynila, nitong Lunes ng umaga.

Sa ulat, 9:00 ng umaga nang dumating ang sheriff ng MTC Branch 18 na si Pat Visda buhat sa sala ni Judge Emaculada Concepcion Galang, na bitbit ang ‘Notice of Demolition’ kasama ang mga tauhan ng Manotok Realty, Inc., na nagmamay-ari ng naturang lupa.

Hindi napigilan ang pagdami ng tao na pawang mga residente ng nasabing lugar at pilit pinipigilan ang isasagawang demolisyon.

May ilan na nagalit at nagbanta pang ‘papatay’ kung sakaling itutuloy ang nasabing gibaan.
Sigaw naman ng ilan na nasaan ang hustisya sa panahon ng pandemya.

Ang ilang naman sa mga naninirahan sa naturang lugar ang nakikiusap na tapusin muna sana ang pandemya dahil karamihan sa kanila nawalan ng trabaho at hindi pa rin nila alam kung saan sila maninirahan kung mawawalan ng tahanan.

Tumagal ng halos tatlong oras ang naganap na pakiusap sa pagitan ng mga residente at ng mga tauhan ng Manotok Realty, Inc., hanggang sa rumesponde sila Congressman Rolan ‘CRV’ Valeriano, Konsehal Awi Sia, at Kon. Macky Lacson.

Ipinakiusap nila Valeriano sa mga Monotok na sana hindi ito ang panahon para gipitin ang mga naninirahan sa sinasabing lupang pag-aari ng mga Manotok.

Sinabi pa ni Valeriano na magkaroon muna ng moral at awa sa mga maaapektuhang residente.

Aniya, kaya nga sila bumaba sa nasabing lugar para makiusap dahil kung matutuloy ang demolisyon nag-alala sila kung saan titira ang mga naapektuhan residente.

Ipinabatid din ni Valeriano na may naipasa ng resolusyon sa Konseho ng Maynila para matugunan ang nabinbing pagbili ng nasabing lupain kung saan nakapag-down na ng P57,577.038.00 pesos para sa kabuuang halaga na P383,269,882.00. At tiniyak ni Lacson na mayroon ng sapat na pondong pagkukunan ng kakulangang bayad sa mga Monotok kaya pinawi nila ang pag-aalala ng mga residente sa nasabing lugar.

Maging si chairman Delia Rodriguez at ang Samahan Magkakapitbahay ng dulong Gagalanin, Inc., pinakiusapan ang demolition team na ipagpaliban muna ang plano gayundin sa mga residente na maging mahinahon sa kasalukuyang sitwasyon.

Nagkaroon ng katuparan ang pakiusap nila Valeriano na ipagpaliban muna ang isasagawang demolisyon pero pinaalala ng sheriff na kailangan pa rin sundin ang batas sa tamang panahon.

The post Demolisyon sa Tondo, napigilan! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Demolisyon sa Tondo, napigilan! Demolisyon sa Tondo, napigilan! Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.