Facebook

Rapist sa Isabela himas rehas habangbuhay

ISABELA – Rehas na bakal na ngayon ang hinihimas ng isang mister na may kasong 2 beses na panggagahasa at hinatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo matapos maaresto ng pulisya sa Barangay Aguinaldo, Naguilian, Isabela.
Sa ulat ni Police Major Mervin Villanueva, hepe ng Naguillan Police Station, kay Colonel James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, nakilala ang akusado na si Freddie Dagdag, 49 anyos, may asawa, residente rin dito sa nasabing lugar.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17 Ilagan City, Isabela sa kasong 2 counts rape na may piyansa na P200,000 para sa unang kaso, habang walang piyansa sa ikalawang kaso. (Rey Velasco)

The post Rapist sa Isabela himas rehas habangbuhay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rapist sa Isabela himas rehas habangbuhay Rapist sa Isabela himas rehas habangbuhay Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.