Facebook

Misis nakipagsabwatan sa kabit, pinatay ang mister

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Major Jerome De Guzman, hepe ng Mandug Police station, na sinampahan na nila ng kasong murder ang isang Esteban Sabuang Adang Jr., ang itinuturong pumatay kay Deby Binarao, mister ng kanyang kalaguyo na si Gemma Binarao.
Ayon sa opisyal, maliban sa salarin, sasampahan din nila ng kasong ‘parricide’ ang asawa ng biktima. Hinihintay na lamang nila na mailabas ang warrant of arrest laban sa misis.
Una nang sinabi ni Esteban na mahal niya ang asawa ng biktima kaya niya nagawa ang krimen, at matagal na umano silang may relasyon nito.
Nabatid na pinagtataga ni Esteban si Deby at pinaanod pa ang bangkay nito sa ilog.
Itinanggi naman ni Gemma na may relasyon sila ni Esteban, ngunit sinabi ni Major De Guzman na mahaharap parin ito sa reklamo dahil sa pa-kikipagsabwatan nito kay Esteban.

The post Misis nakipagsabwatan sa kabit, pinatay ang mister appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Misis nakipagsabwatan sa kabit, pinatay ang mister Misis nakipagsabwatan sa kabit, pinatay ang mister Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.