Facebook

Nobyo nagbanta ikakalat mga hubad na larawan at video ng gf kapag ‘di nagbigay ng pera, kulong

ARESTADO ang 23-anyos na lalaki matapos takutin ang kasintahan na ikakalat ang mga hubad na larawan sa lungsod ng Malolos, Bulacan.
Ayon kay Police Lt. Nelvin Ricohermoso, hepe ng Region 3 Anti-Cybercrime Unit, pumayag ang suspek na si alyas Dale na babayaran siya ng biktima na si alyas Roxanne kapalit ng hindi paglantad ng mga larawan. Dito na nahuli ang lalaki sa isang entrapment operation.
Hindi inakala ng kolehiyalang biktima na gagawin ito sa kaniya ng isang linggo na ni-yang nobyong nakilala lang sa isang dating app.
“Unang-una po kasi niyang pakilala sa’kin, isa siyang sweet person, na gusto ni-yang magkaseryosong rela-syon, at maayos naman po si-yang kausap nu’ng una,” ani Roxanne.
“Ang alam ko lang po ’pag nagagalit siya, or kapag nag-aaway po kami, ’yun ’yung panakot niya, na ikakalat niya daw po ’yung mga malalaswang litrato ko at ’yung mga videos po na nasa kaniya.”
Sa pagkaka-aresto ng lalaki, napag-alamang kasama ito sa watchlist ng Malolos City PNP, at dati na ring nasangkot sa mga kahalintulad na kaso.
Nakumpiska sa lalaki ang cellphone na naglalaman ng mga maseselang larawan at video ng biktima.
Hindi na nagbigay pa ng pahayag ang lalaki na na nahaharap sa paglabag sa anti-photo and video voyeurism act of 2009, violence against women and their children, grave coercion, at robbery-extortion na nakaugnay sa Cybercrime Prevention Act of 2012.(James de Jesus)

The post Nobyo nagbanta ikakalat mga hubad na larawan at video ng gf kapag ‘di nagbigay ng pera, kulong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nobyo nagbanta ikakalat mga hubad na larawan at video ng gf kapag ‘di nagbigay ng pera, kulong Nobyo nagbanta ikakalat mga hubad na larawan at video ng gf kapag ‘di nagbigay ng pera, kulong Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.