Facebook

Anak ibinebenta ni mommy online

SA kulungan ang bagsak ng isang mommy nang magbenta ito ng isang sanggol sa ikinasang operasyon ng lokal na pulis sa Davao del Norte, noong Martes, Mayo 18.
Unang nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may nagbebenta ng sanggol sa pamamagitan ng Facebook.
Nakipagkita ang isa sa mga kawani ng Tagum Police kasama ang nagkunwaring bibili ng sanggol sa halagang P200,000.
Ang suspek ay ang mismong nanay ng isang taon gulang na baby.
Ayon kay Police Major Joselito Tan Jr., ang hepe ng Tagum Police, lumaban pa ang suspek nang hulihin ito ng mga pulis.
Kakasuhan ng paglabag sa RA 10364, Anti-Trafficking in Persons Act; at RA 7610, Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Nasa kustodiya ngayon ng mga social worker ang sanggol at patuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng bata.

The post Anak ibinebenta ni mommy online appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Anak ibinebenta ni mommy online Anak ibinebenta ni mommy online Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.