Facebook

3 kidnappers huli sa Pasay City

ARESTADO ang dalawang Chinese national at isang Filipino ng mga elemento ng Philippine National Police -Anti Kidnapping Group, at nasagip ang isang Chinese national sa isinagawang operasyon sa Pasay City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Li Fei, 28 anyos; at Ye Hong, 27; at Alvin Cardeño Israel, 36.
Nailigtas naman ang biktimang si Sun Xiao Lin.
Ayon kay Colonel Rudolph B. Dimas, director ng PNP AKG, 11:30 ng gabi nang isinagawa ang operasyon ng Anti Kidnapping Action Team sa Atrium Hotel sa Pasay City.
Sa report, kinidnap ang biktima noong Mayo 16, 2021 habang patungo ito sa Lord Grace Medical and Industrial Clinic sa Pasay City para sa RT-PCR test na requirement sa trabaho sa isang POGO company.
Humingi ang mga kidnapper ng ramson sa kanyang pinsan na ipinaabot naman sa pamil-ya ng biktima.
Nagbayad ang pamilya ng biktima ng P1,490,000.00 sa mga kidnapper sa pamamagitan ng online ngunit hindi ito pinakawalan ng mga suspek kaya humingi sila ng tulong sa PNP – AKG.
(Mark Obleada)

The post 3 kidnappers huli sa Pasay City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 kidnappers huli sa Pasay City 3 kidnappers huli sa Pasay City Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.