Facebook

MAGKAIBIGAN GINILITAN NG ADIK NA MAGKAKAPATID

NASAWI ang 12-anyos na lalaki habang sugatan ang 14-anyos na kaibigan nito nang gilitan ng mga dati nilang kapitbahay sa Cavite.
Kinilala ang nasawi na si Prince Louis Albaniel alias “Tisoy”, Grade 7 student, re-sidente ng Sitio Ilat, Barangay Ligas 2, Bacoor; habang inoobserbahan sa pagamutan ang kaibigan nito na nagtamo ng mga saksak sa leeg na si Gemar Regulacion alias Along, Grade 4 Elementary Level, ng naturang sitio.
At ang magkakapatid na salarin ay kinilalang sina Steven Rivera Mallo alias Balong, 19, construction worker; kakambal na si Tyson, construction worker; at Alexander alias Xander, 18, pawang residente ng Brgy. Ligas 1, Bacoor City.
Sa ulat, 11:00 ng gabi noong May 17, habang kumain ang magkaibigan sa labas ng isang private resort malapit sa kanilang bahay sa Sitio Ilat, nila-pitan sila ng magkakapatid na lango sa ipinagbabawal na gamot at pinagtripang saksakin.
Ayon kay Regulacion, sinita sila ng magkakapatid kung bakit nasa labas pa sila ng bahay. Nang sinabi nilang uuwi na sila, bigla nalang silang ginilitan pero nakatakbo ito pauwi para humingi ng tulong.
Umabot sa 18 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang natamo ni Albaniel.
Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang magkakapatid na nahaharap sa murder, frustrated murder.(Irine Gascon)

The post MAGKAIBIGAN GINILITAN NG ADIK NA MAGKAKAPATID appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAGKAIBIGAN GINILITAN NG ADIK NA MAGKAKAPATID MAGKAIBIGAN GINILITAN NG ADIK NA MAGKAKAPATID Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.