Facebook

Huwag tumigil si Abalos sa pagtanggal sa mga kotongerong MMDA traffic enforcer

APAT na ang traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tinanggal ni Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., ilang buwan makalipas siyang italaga sa pagiging chairman ng ahensya.

Ang sinibak ni Abalos ay sina Edmon Belleca, Christian Malemit, Mark James Ayatin at Jason Salibio matapos na mapatunayang totoo ang akusasyon/reklamong pangongotong laban sa kanila.

Sina Belleca at Malemit ay inireklamo ng isang motorista ng pangingikil ng P1,000 upang huwag nang tuluyang tikitan ang huli kaugnay sa linabag daw niyang batas – trapiko.

Malamang hati sina Belleca at Malemit sa P1,000.

Pokaragat na ‘yan!

Ang insidenteng naganap sa Quezon City ay nakuhaan ng video.

Ang video ay ipinost sa social media na nagviral.

Nakarating ito kay Abalos.

Mabuti na lang mayroong video footages, kundi posibleng makalusot sina Belleca at Malemit.

At mainam din na mabilis na pinaimbestigahan ni Abalos ang insidente.

At higit sa lahat, mabuti na lang inaksyonan ni Abalos ang krimen makaraang dumaan ito sa ligal at patas na proseso.

Sina Belleca at Malemit ay regular nang kawani ng MMDA, ngunit nasayang ang “lifetime employment” sa pamahalaan dahil lamang sa P1,000.

Posibleng hati sila sa P1,000.

Sina Ayatin at Salibio naman ay P300 ang hiningi sa isang motorista sa Lungsod ng Taguig.

Nakita rin sa video ang insidente.

Naipost sa social media ang video hanggang naging viral.

Nakarating kay Abalos ang insidente.

Agad pinaimbestigahan ni Abalos hanggang pinatanggal niya ang dalawa.

Sina Ayatin at Salibio ay job order ang istatus ng pagiging traffic enforcers sa MMDA.

Hindi na masama dahil mayroon silang trabaho.

Kaso, gumawa ng hindi maganda sa motorista na P300 ang sangkot na pera.

Pokaragat na ‘yan!

Ako, sobrang intindido ko ang kahirapan ng mga Filipino.

Ngunit, hindi talaga maarok ng isip ko na kotongan ang kapwa natin Filipino.

Napakaraming mahihirap sa ating bansa.

Kung pangongotong ang isa sa mga paraan upang mapakain ang kanilang mga pamilya sa bawat araw, nangangahulugang napakaraming kotongero sa Pilipinas.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi tama ang ginawa ng mga traffic enforcer ng MMDA.

Dapat matigil ang kademonyohang ito!

Sa totoo lang, maraming napapabalita sa mga nakaraang taon na kotongerong MMDA traffic enforcers.

Palagay ko, hindi kumilos ang pamunuan ng MMDA noon.

Kaya, mayroon pang mga kotongero sa MMDA.

Kung kumikilos kaagad si Abalos laban sa mga mangongotong, laban sa mga korap na traffic enforcer, palagay ko dapat maging aktibo ang mga motorista sa pagkuha ng video kapag sinisita sila ng MMDA traffic enforcers at ipost ito sa social media kung sila ay mangingikil/mangongotong.

Napakagandang pagkakataon ito laban sa mga abusado at korap na MMDA traffic enforces.

Panalangin ko lang, hindi titigil si Abalos na tanggalin sa MMDA ang mga korap/kotongerong traffic enforcer.

Syempre, tanggalin din niya ‘yung mga opisyal na mahilig sa concrete, o plastic, barriers.

The post Huwag tumigil si Abalos sa pagtanggal sa mga kotongerong MMDA traffic enforcer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Huwag tumigil si Abalos sa pagtanggal sa mga kotongerong MMDA traffic enforcer Huwag tumigil si Abalos sa pagtanggal sa mga kotongerong MMDA traffic enforcer Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.