Facebook

QC inasistehan ng ACT-CIS

SA hangaring mapabilis ang programang pagbabakuna para masupil ang COVID-19 ay inaasistehan ngayon ng mga medical worker mula sa ANTI-CRIME AND TERRORISM COMMUNITY INVOLVEMENT AND SUPPORT (ACT-CIS) PARTYLIST ang medical force ng QUEZON CITY GOVERNMENT.

Nitong May 20 ay isinagawa ang MOA Signing ceremony ng QC GOVERNMENT sa pangunguna ni MAYOR JOY BELMONTE at ng ACT-CIS PARTYLIST na pinangunahan naman nina RADIO BROADCASTERS RAFFY at ERWIN TULFO.., na layunin ay madagdagan ang medical workers na magsasagawa ng pagbabakuna sa mga VACCINATION CENTERS.

“Since last year, we have received a myriad of support from different organizations and have established the whole-of-city approach in addressing the COVID-19 pandemic. The doctors and nurses from ACT-CIS will greatly support four of our sites, and accommodate more QCitizens in the process,” pahayag ni MAYOR BELMONTE sa naging hakbang ng PARTYLIST at ng magkapatid na TULFO para sa “BAYANIHAN SA TURUKAN”.

“Ito po ay aming kontribusyon sa hangarin ng ating pamahalaan na mabakunahan ang lahat sa lalong madaling panahon. Kailangan po tayong magtulong-tulong. Hindi natin matatalo ang virus kung hindi natin susuportahan ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan,” pahayag naman ni ACT-CIS Chair Erwin Tulfo.

Mula nitong May 19, ang QC GOVERNMENT ay nakapagsagawa na ng 272,046 doses sa mga residente’t empleyado o katumbas nito ay ang 204,394 para sa unang sigwada ng bakunahan at 67,652 naman sa second dose.

Kamakailan naman ay pinasimulan ang drive-thru vaccination site ng nasabing CITY GOVERNMENT sa pakikipagtulungan ng SM CITY MALLS sa SM FAIRVIEW.., na ang lugar nito ay nakapagserbisyo sa A1 to A3 priority groups na nakapagrehistro sa mga barangay assisted booking scheme.

***

BAGONG GYM GAGAMITIN MUNANG
VACCINATION AREA…

Sa hangaring mapabilis ang vaccination program ng QUEZON CITY GOVERNMENT.., ang MULTI-PURPOSE GYM at itinuturing bilang “STATE OF THE ART BASKETBALL GYM” na pinasinayaan kamakailan ni QC 1st DISTRICT REPRESENTATIVE ANTHONY PETER “ONYX” CRISOLOGO ay ipagagamit muna bilang VACCINATION AREA para sa mga residente ng BRGY. TORO o ang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 disease.

Inihayag ni REP. ONYX na ang napaka-gandang basketball gym ay maituturing umano na isang “state of the art” basketball gym na puwedeng gamitin at gawing practice gym ng mga professional at amateur players mula sa Philippine Basketball Association (PBA) at PBA-D League. Ang pagkakagawa sa nasabing gym ay pulidong pulido at nahahawig sa basketball gym na pinagpa-praktisan ng mga professional players mula sa National Basketball Association (NBA) sa Estados Unidos.

Napag-alaman din kay ONYX na ang TORO HILLS HOMEOWNERS ASSOCIATION (THHA) MULTI-PURPOSE GYM ang isa sa anim na nakahilerang proyekto niya sa kaniyang unang termino bilang QC 1st DISTRICT REPRESENTATIVE. Kabilang sa mga lugar na patatayuan din ng kahalintulad na NBA style Gym ay ang Barangay Masambong, Bagong Pag-Asa, Ramon Magsaysay, Damar, Project 6 at Barangay West Triangle.

Ang naturang mambabatas na isang CIVIL ENGINEER ay nagpahayag na ang mga “modern government projects” na nakatakda niyang gawin sa kaniyang unang termino ay maituturing na mga proyektong may kalidad, makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa mga residente ng Distrito Uno.

“What I envision for District One is to have modern government projects that have quality and useful most especially for the youth. Para makaiwas sila sa masasamang bisyo gaya ng drugs,” pagpupunto ni REP. ONYX CRISOLOGO.

Kasabay sa pagpapasinaya ng GYM ay namahagi rin sina ONYX at kaniyang kabiyak na si QC 1st DIST. COUNCILOR NICOLE ELLA “NIKKI” CRISOLOGO ng grocery items, medical kits, alcohol at wheelchair para sa mga residente ng BRGY. TORO.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post QC inasistehan ng ACT-CIS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
QC inasistehan ng ACT-CIS QC inasistehan ng ACT-CIS Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.