Facebook

COVID-19 natuklasan sa aso

NATUKLASAN daw pala ng mga siyentipiko na maaaring magkaroon ng hawaan ng Covid-19 ang mga tao at mga hayop.

Isiniwalat ni Prof. Gregory Gray ng Duke University’s Global Health Institute, nadiskubre nila ang canine coronavirus sa isang grupo ng mga pasyenteng bata dulot ng pneumonia sa isang ospital sa Malaysia noon pang 2017 at 2018.

Hinihinalang ang virus na galing sa aso ang dahilan ng kanilang pagkakasakit.

Naniniwala ang karamihan sa mga siyentipiko na ang SARS-CoV-2 virus na nagdudulot ng Covid-19 ay mayroong zoonotic origin.

Ang virus na tinawag ng grupo ni Gray bilang “CCoV-HuPn-2018” ay mula nga raw sa aso pero puwede ring pagmulan ang baboy at iba pang mga hayop.

Bunga ng mga ganitong pag-aaral, lumalakas ang panawagan na dapat nang bakunahan ang mga bata at iba pang populasyon sa bansa.

Ipinanawagan ni Sen. Sonny Angara sa Food and Drug Administration (FDA) ang pag-aaral para sa paggamit ng available na Covid-19 vaccines sa mga bata.

Mas maigi nga raw kung gayahin natin ang counterparts ng ahensya sa Estados Unidos at iba pang bansa na nagsisimula nang pag-aralan ang paggamit ng bakuna kontra Covid-19 sa mga 18 taong gulang pababa.

Pagdating daw sa pagpapalawak ng bakuna sa iba pang age groups, dapat ay “ahead of the curve” ang gobyerno kung saan inihalimbawa ang pasya ng US at Singapore na pumapayag na turukan ng bakuna ang 12 hanggang 15 taong gulang.

Mahalagang senyales daw ito para magsagawa na rin ng sariling pag-aaral ang ating FDA tungkol sa pagbabakuna sa mga menor-de-edad na nangangailangan lamang ng basic education.

Kung tama ang pagtaya ni Angara, aba’y 28 milyong estudyante ang maaaring ma-immune, mas mataas kumpara sa Australia na nasa 25 milyon.

Kapag nagkataon, mapoprotektahan natin laban sa impeksiyon ang pinakamalaking population group sa ating bansa.

Samantala, para raw hindi masayang ang mga Covid-19 vaccines na malapit nang mag-expire, iminungkahi ni 2nd District Misamis Oriental Rep. Juliette Uy sa pamahalaan na iturok na lamang ito sa mga preso at empleyado ng mga piitan sa National Capital Region (NCR) Plus at mga city jails.

Ito ang nakikitang agaran at pinakamabisang paraan ni Uy upang mapakinabangan daw ang mga bakunang malapit nang sumapit ang expiration dates.

At para naman daw magkaroon ng localized herd immunity sa immediate vicinity ng mga opisina, piitan at kulungan, dapat daw bakunahan ang mga nakatira malapit sa mga tindahan at kabahayan na nasa paligid lamang ng mga nasabing tanggapan.

Well, ano sa palagay n’yo, mga kababayan?

***

PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post COVID-19 natuklasan sa aso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
COVID-19 natuklasan sa aso COVID-19 natuklasan sa aso Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.