Facebook

Sen. Go binuksan ang ika-116 na Malasakit Center sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center

TINIYAK ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagtulong sa mga mahihirap na pasyente para sa kanilang pampagamot kaya patuloy ang pagbukas ng Malasakit Center sa iba’t ibang ospital sa bansa.

Ito ay makaraang personal na dinaluhan ni Go, chairman ng Senate committee on health ang pagbubukas ng ika-116 na Malasakit Center sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center sa Sta. Cruz, Maynila, kamakailan.

Ang Malasakit Center na ito ay ika-22 na naitayo sa Metro Manila at ikatlo sa lungsod ng Maynila bukod sa naunang naitatag na Malasakit Center sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital at sa

Philippine General Hospital.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop ay binubuo ng apat na ahensya ng gobyerno para sa mga pasyente na humihingi ng tulong kabilang na rito ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Sa mga pasyente, lapitan niyo lang ang Malasakit Center dahil para ito sa inyo. Kung may bill kayo, nandiyan ang apat na ahensya ng gobyerno na tutulong para mabayaran ito. At kung may naiwang balanse, may iniwan rin na pondo ang Office of the President… ang target ay maging zero balance na kayo,” wika ni Go.

Matatandaang si Go ang pangunahing may-akda at nagtaguyod ng naturang panukalang-batas na naging Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019.

Layunin ng batas ang pagtatatag ng isang Malasakit Center sa bawat ospital na pinamamahalaan ng DOH sa buong bansa. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go binuksan ang ika-116 na Malasakit Center sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go binuksan ang ika-116 na Malasakit Center sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center Sen. Go binuksan ang ika-116 na Malasakit Center sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.