TUMINDIG ang balahibo ng magbayaw nang maki-jamming sa kanila habang kumakanta sa ilalim ng puno ng Tugas ang pinaniniwalaan nilang kapre at ang malalim na boses ng kapre ang kanilang nairekord sa Cebu city.
Kinilala ang magbayaw na sina Jesus Serencio at Saturnino Cuerda, residente sa Pasil, Santander.
Sa ulat, sa lugar nina Serencio may isang puno ng Tugas o molave tree na halos 100 taon na ang edad, na pinaniniwalaan nilang may nakatirang kapre.
“Parang sinalo ‘yung boses ko. Nangilabot ako noong gabi na iyon,” sabi ni Jesus.
“Sus! Natakot ako! Wala namang makita!” ayon naman kay Cuerda.
Pinatunayan ito ni Lola Eulalia Cuerda, na nagkuwentong niligawan siya noon ng kapre at gabi-gabing bumibisita sa kaniya.
“Nagkagusto raw siya (kapre) sa akin pero hindi naman ako nagkagusto sa kaniya (kapre).
Sabi niya dadalhin niya raw ako, hindi ko naman siya kailangan,” sabi ni Lola Eulalia.
Ayon kay Victoria Cuerda-Dalis, anak ni Eulalia, na-basted umano ang kapre kay Lola Eulalia.
Pero hindi raw sumuko ang kakaibang nilalang nang sundan nito si Eulalia noong ipinagbuntis niya ang kaniyang bunso.
Natigil lamang ang kapre nang humingi na ng bendita si Lola Eulalia mula sa pari.
Dahil dito, niligawan naman ng kapre ang kapitbahay nilang si Marisa Novo.
“Gusto niya talaga ako. Ang kaniyang pakay talaga makipagkaibigan dahil gusto niya ako kunin,” sabi ni Marisa na binasted din ang kapre.
The post Kapre naki-jamming sa magbayaw, nairekord appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: