Facebook

P401-BILYONG ‘SAP 3’ APRUB SA KAMARA, SA SENADO NAMAN!

APRUBADO na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Bayanihan to Arise as One Act (Bayanihan 3).

Sa botong 239 na Yes, 0 na No at 1 abstention, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 9411 na naglalaman ng P401-billion halaga ng lifeline measures para sa mga Pilipino at negosyong apektado ng COVID-19 pandemic.

Mula sa kabuuang halaga, P216 billion ang mapupunta para sa P2,000 cash aid na ibibigay sa mga Pilipino. Ang cash assistance na ito ay hahatiin sa dalawang installments na tig-P1,000.

Layon din ng Bayanihan 3 na tulungan ang pandemic-affected households sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng enhanced community quarantine sa pamamagitan ng one-time cash subsidy na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P10,000, na ipapamigay naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, P20 billion naman ang nakalaan para sa wage subsidies na ipapatupad sa tatlong phases.

Sa unang phase, P8 billion ang inilalaan, karagdagang P8 billion para sa second phase, at P4 billion naman sa third phase.

Bukod sa mga ito, magkakaroon din ng cash assistance sa mga displaced o disadvantaged workers (P25 billion); national nutrition (P6 billion); tulong para sa agri-fishery sector (P30 billion); tulong para sa mga kooperatiba (P2 billion); medical assistance sa mga indigents program ng Department of Health (P9 billion); local government support fund (P3 billion); RT-PCR test ng mga tropulante at OFWs (P500 million); pension at gratuity fund (p54.6 billion); tulong sa basic education (P4 billion); at tulong sa higher education (P500 million).

Sa kasalukuyan, wala pa ring naibibigay na certification of availability of funds ang Bureau of Treasury para sa Bayanihan 3.

The post P401-BILYONG ‘SAP 3’ APRUB SA KAMARA, SA SENADO NAMAN! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P401-BILYONG ‘SAP 3’ APRUB SA KAMARA, SA SENADO NAMAN! P401-BILYONG ‘SAP 3’ APRUB SA KAMARA, SA SENADO NAMAN! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.