Facebook

Duterte pinag-iisipan pa ang pagtakbong Vice Pres.

INIHAYAG ng Malakanyang na pinag-iisipan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte kung tatakbong bise presidente ng bansa sa May 2022 elections.

Ito ay matapos ihayag ng mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) na nais nilang tumakbong bise presidente ang Pangulo para maipagpatuloy pa ang mga programang nasimulan ng administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi ng Pangulo na kailangan munang pag-isipan ang naturang bagay.

Ayon kay Roque, sinabi ng Pangulo na nakapagsilbi na siya sa bayan.

Pero sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo napag-iisipan pa niya kung ano ang pinakamabuti para sa bayan.

“Sa lahat ho ng nagtatanong kung ano ang kasagutan ng Presidente, ang kasagutan po ay pag-iisipan po niya. Siyempre po siya ay na-nominate, kinakailangan pag-isipan. On the one hand eh sabi niya nakapagsilbi na siya sa bayan, on the other hand ang sabi niya iisipin niya kung anong pinakamabuti para sa bayan – iyon po ang kasagutan ng Presidente,” pahayag ni Roque.

Isa sa mga posibleng maka-tandem ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio na inuudyukang tumakbong pangulo ng bansa.

The post Duterte pinag-iisipan pa ang pagtakbong Vice Pres. appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Duterte pinag-iisipan pa ang pagtakbong Vice Pres. Duterte pinag-iisipan pa ang pagtakbong Vice Pres. Reviewed by misfitgympal on Hunyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.