Facebook

Pamamasyal ng lahat ng edad sa GCQ, MGCQ areas pinayagan na ng IATF

INAPRUBAHAN na ng gobyerno ang pagluluwag sa COVID-related restrictions sa domestic travel kung saan pinapayagan na ang leisurely trips mula NCR Plus papunta sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ kahit ano pa ang edad, simula sa Hunyo 1 hanggang Hunyo 15.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangan lamang na negatibo ang bibiyahe sa COVID-19 test at susunod sa mga local government guidelines.

Iginiit naman ni Roque na ang pinaluwag na travel requirements ay para lamang sa point-to-point travel.

Kabilang sa NCR Plus ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Samantala, sinabi rin ni Roque na pinapayagan na rin ng IATF ang outdoor non-contact sports, 30% operating capacity para sa mga venue meetings o conferences, 40% operating capacity para personal care services habang 30% outdoor tourist attractions sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions kasama na ang Metro Manila. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)

The post Pamamasyal ng lahat ng edad sa GCQ, MGCQ areas pinayagan na ng IATF appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pamamasyal ng lahat ng edad sa GCQ, MGCQ areas pinayagan na ng IATF Pamamasyal ng lahat ng edad sa GCQ, MGCQ areas pinayagan na ng IATF Reviewed by misfitgympal on Hunyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.